Mula ng dumating at manirahan kami sa Beijing noong 2002, ang parati kong tanong ay “nandito pa kaya tayo sa Olympics?” Ngayon alam ko na ang sagot… wala na! Hahahaha! Pero kahit nandun pa kami malamang ay hindi din kami makakapanood. Sa dami ng tao lalo na mayaman at mga makapangyarihang politiko, mahirap makakuha ng tiket ang isang ordinaryong expat. Sabi nga ng mga kaibigan ko doon (lokal man o Pinoy), ang mabibili mo lang sa ngayon ay entrance para sa mga larong hindi popular at hindi sa Bird’s Nest o Water Cube. Sold-out na lahat.
Hindi na bale… hahandugan ko na lang kayo ng mga larawan ko sa Beijing. Kung pupunta ka sa capital ng Tsina, wag kalimutang tumikim ng Peking duck. Yan po ang aking huling Peking duck sa Peking nung aking huling birthday do…
Sa gawing kanluran…
Ang pagkain ay hamburger. Hahaha! Ang ibig ko bang sabihin ay ito ang unang pumapasok sa isipan ‘pag ang pinag-uusapan ay pagkain sa bansang Amerika. Tulad ng nakaraang July 4, nagyaya ang ilang mga kaopisina kong Kano na mag lunch out bilang pagse-celebrate ng kanilang espesyal na okasyon. Hindi nga ako sana sasama dahil meron akong baong pagkain pero napilit ako ng kanong katabi ko dahil bilang isang Pinoy na minsan ay nag-celebrate ng Independence Day sa parehong araw ay higit kanino man ay may K daw akong sumama. E di syempre… sama ang lola nyo (bukod sa matagal na din ako hindi gumagastos hehehehe….) Hulaan nyo saan kami kumain? Sabi ng kano…ang pagpipilian ay Mcdo o Burger King. Burger King kami! Yey! May libre pang Batman na laruan ang kiddie meal!
Para sa Litratong Pinoy #17, eto ang aking masarap na burger steak, mas masarap kasi sa …